CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Thursday, November 6, 2008

DUGTUNGAN PORTION.

1. "sana ____ ngayon!"
`` KASAMA KO SYA.

2. "masarap ____ sa kama."
``MATULOG.

3. "natatakot akong ____."
``TAKUTIN.

4. "gusto kong makita at makasama si ____"
``:)

5. "hay, gusto ko nang ____"
``SABIHIN YUNG TOTOO.

6. "gusto kong kumain ng ____"
``CARBONARA.

7. "si doraemon ay _____"
``NAKAKA GAGU. :)

8. "masarap tumambay sa _____"
``SA BAHAY.

9. "masaya ako kung makita ko si _____"
``:)

10. "mahilig akong _____"
``MAG NET.

11. "ang pinaka-weirdong bagay na nagawa ko ay _______"
``DE MALIGO FOR THREE DAYS. HAHA. :)

12. "dapat pinagbabawal ang _______"
``ANG PDA AT ANG MONTHSARY. - TAMA!

13. "ang emo ay ______"
``DUGYOT. :)

14. "ang goth ay _____"
``GRRR.

15. "ang punk ay ______"
``GANUN PA RIN.

16. "si sarah geronimo ay ______"
``BOOOOOOH!

17. "si GMA ay _______"
``MUNTANGA.

18. "ang southpark ay _____"
``MAKULET.

19. "si Barney ay ______"
``DAPAT MAMATAY.

20. "ang pagsabi ng bad words ay _____"
``MASAMA?

21. "ang hindi pagtupad sa pangako ay _____"
``KALAPASTANGANAN.

22. "kung ako'y isang pagkain, ako ay ____"
``MASARAP. HAHA. :)

23. "gusto kong umapak sa planetang _____"
``EARTH PA RIN.

24. "masaya ako kase _____"
``MEDYO OK NA KAME. :|

25. "dati, ako ay isang ____"
``BAKLA. :)

26. "pero, _____"
``BABAE NA KU.

27. "kaya, ______"
`` ME MATRIS NA KU.

28. "aaminin ko na isa akong _______"
``TAO.

29. "ang pinakamataas kong narating ay ang ______"
``ANG BAHAY NAMEN. :|

30. "ang masasabi ko sa aking career ngayon ay ______"
``NO COMMENT.

31. "iboto natin si ___ bilang presidente!"
~ CYRILL.

32. "gusto ko ng _____"
``LOTSA MONEY. :)

33. "ngayon-ngayon lang, naalala kong ______"
``ME NAALALA AKU. :|

tinataya ko ang mga sumusunod:

TSSS. :|

Tama!


INSTRUCTIONS

1. Copy this whole list into your journal.
2. Bold the things that are true about you
3. Whatever you don't bold is false.

01. I miss somebody right now - paka kase. :)
02. I don't watch much TV these days
03. I love olives
04. I love sleeping
05. I own lots of books
06. I wear glasses or contact lenses
07. I love to play video games
08. I've tried marijuana
09. I've watched porn movies - try lang. lol. :)
10. I have been in a threesome

11. I had a psycho-ex in a past relationship
12. I believe honesty is usually the best policy - tama!
13. I have mostly acne free skin
14. I like and respect Al Sharpton
15. I curse frequently - grrrrr. :)
16. I have changed a lot mentally over the last year - i guess. :)
17. I have a hobby
18. I've been told that I have an apple bottom
19. I carry my knife/razor everywhere with me
20. I'm really, really smart

21. I've never broken someone's bones
22. I have a secret that I am ashamed to reveal
23. I love the rain
24. I'm paranoid at times
25. I would get plastic surgery if it were 100% safe, free of cost, and scar-free - haha. :)
26. I need money right now! - tama!
27. I love Sushi
28. I talk really, really fast
29. I have fresh breath in the morning
30. I have medium to long hair

31. I have lost money in Las Vegas
32. I have at least one brother and/or one sister
33. I was born in a country outside of the U.S.
34. I shave my legs (females) or face (males) on a regular basis
35. I have a twin
36. I have worn fake hair/fingernails/eyelashes in the past
37. I couldn't survive without Caller I.D.
38. I like the way that I look sometimes - tama!
39. I have lied to a good friend in the last 6 months - white lies. :)
40. I know how to cornrow

41. I am usually pessimistic
42. I have a lot of mood swings
43. I think prostitution should be legalized
44. I think Britney Spears is hot
45. I have been cheated on by a significant other in the past
46. I have a hidden talent - tama!
47. I'm always hyper no matter how much sugar I have - tama!
48. I think that I'm popular
50. I have kissed someone of the same sex

51. I enjoy talking on the phone
52. I practically live in sweatpants or PJ pants - hehe. :)
53. I love to shop - tama!
54. I would rather shop than eat - sometimes. haha. :)
55. I would classify myself as ghetto
56. I'm bourgie and have worn a sweater tied around my shoulders
57. I'm obsessed with my livejournal, blogdrive, Xanga or myspace.
58. I don't hate anyone. I dislike them. - tama!
59. I'm a pretty good/amazing dancer
60. I don't think Mike Tyson raped Desiree Washington

61. I'm completely embarrassed to be seen with my mother
62. I have a cell phone - who doesn't have?
63. I believe in God - tama!
64. I watch MTV on a daily basis
65. I have passed out drunk in the past 6 months
66. I love drama - KDrama. love it. :)
67. I have never been in a real relationship before
68. I've rejected someone before
69. I currently have a crush on someone - lam ni MADEL yun. hehe. :)
70. I have no idea what I want to do for the rest of my life

71. I want to have children in the future - tssssss. :|
72. I have changed a diaper before
73. I've called the cops on a friend before
74. I bite my nails - depression. :|
75. I am a member of the Tom Green fan club
76. I'm not allergic to anything
77. I have a lot to learn
78. I have dated someone at least 5 years older or younger
79. I plan on seeing the new movie "Closer" featuring Julia Roberts
80. I am very shy around the opposite sex sometimes.

81. I'm online 24/7, even as an away message
82. I have at least 5 away messages saved
83. I have tried alcohol before
84. I have made a move on a friend's significant other in the past
85. I own the "South Park" movie
86. I have avoided assignments at work to be on Xanga or Myspace
87. When I was a kid I played "the birds and the bees" with a neighbor or chum
88. I enjoy some country music
89. I would die for my best friend - tama!
90. I think that Pizza Hut has the best pizza - i guess so. :)

91. I watch soap operas whenever I can
92. I'm obsessive, anal retentive, and often a perfectionist
93. I have used my sexuality to advance my career
94. I love Michael Jackson, scandals and all
95. I know all the words to Slick Rick's "Children's Story"
96. Halloween is awesome because you get free candy
97. I watch Spongebob Squarepants and I love it
98. I have dated a close friend's ex
99. I have hurt my self before - masokista. haha. :)
100. I am tired at this moment - haha. :)

Wednesday, November 5, 2008

Bob Ong.

1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang fextra friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."

13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."

14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."

15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

19. "Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."

20. "Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

21. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka."

22. "Kahit anung signs pa ang dumating at natupad, kung di ka niya mahal, hindi ka niya mahal."

Thursday, August 28, 2008

User Friendly

Feeling mo ba ay angat ka sa iba dahil kaibigan mo'y sosyalera
Feeling mo ba ka level mo sila dahil meron ka ng kung ano meron sila
Feeling mo ba na di mo ko katulad at kabilang ka nila.

maaring ang iba ay sau ay humanga dahil mukha ka ng elitista
maaring ang iba tingin sau ay anak ng isang bigatin sa politika
maaring ang iba nahuhumaling sa iyong pagkasopistikada

pero alam kaya nila ang iyong totoong pgkatao?
Na ikaw ay isang kahig at isang tukang tulad ko
Pamilya mo'y sagad sa utang para lng ipangluho mo
Na ikaw ay bulag sa totoong pangyayari sa mundo

kaibigang tulad ko'y kinakalimutan mo, na walang nais kundi maging tapat sayo
Magaling ka lng kung ikaw ay lugmok, sa panahong yaon naaalala mo ako
pero pagkatapos ng pagsubok doon ay walang lingon ikaw ay tatayo

Hindi ka na magbabago, nakatatak na ito sa iyong pagkatao
Minulat ka ng magulang mo sa iyong mga luho
Di ka marunong makipagkapwa tao
User Friendly ang tawag ko sa iyo, saksakan ng plastic at pagbabalatkayo!

Friday, July 18, 2008

Masokista ka ba?


ako mejo. pero dahil misyon ko sa buhay ang tumulong sa kapwa nang walang biases sa sexual orientation, religion, at kung anumang trip nyo sa buhay.. eto ang ilang mga naisip kong makatutulong para pagbigyan ang pagkauhaw mo sa sakit ng katawan.

* sa gitna ng moshpit ng isang concert kung san nagge-get together ang mga JJB at LASLAS Convention, siguruhin mong nakasuot ka ng extra large na jersey, wag mo ring kalimutang magsabit ng blings at magsuot ka na rin ng wirstband sa bandang siko. pagkatapos ng isang awit, lalong lalo na't chicosci ang banda, sumigaw ka ng "TANGNA NYONG MGA RAKISTA ANJOJOLOGS NYO!"


* bungangera ba ang nanay mo? malakas ba manggulpi? kung oo, tamang tama. eto ang gawin mo. habang nililitanyahan ka nya ukol sa di mo nadiligang halaman o nasunog na sinaing at buhay nila noong 7 yrs old pa lang sya, hawakan mo bigla sa magkabilang balikat at sumigaw ka nang aabot sa kabilang baryo ang lakas ng, "PUTA KA, DI KA TITIGIL?!!?!"


* dumalo ka sa isang convention ng mga feminista. siguruhin mong lahat ng uri ng kababaihan ay naroon lalong lalo na yung mga martial artist. tapos bago matapos yung welcome speech ng kanilang presidente,tumayo ka bigla sa gitna. umepal ka, duruin sya at sumigaw ng, "BABAE KA LANG!"


* sa isang pampublikong cr (mas preferably sa area ng recto, quiapo, tondo..etc) habang jumijinggle ka katabi ng isang lalaki (siguruhin mong mukhang salbahe), hawakan mo bigla ang kanyang tite at sabihing, "BAKLA KA BA?"


* pumasok ka sa isang mosque. mas preferably sa quiapo. habang nakatuwad silang lahat, bigla mo silang pagtatadyakan sa pwet habang nagsisisigaw ng, "WALANG KWENTA YANG DIYOS NYO! WALANG KWENTAAAaaa..a.a...!"


* buhay pa ba ang lolo o lola mo? may tito o tita ka bang karatista o sadyang mahilig manakit? kung oo parehas ang sagot mo, tamang tama ulit. pagdating na pagdating mo sa inyong family reunion, siguruhin mong present ang lahat at walang di makaririnig sa iyong sasabihin. paglapit mo sa iyong lolo/lola, hawakan mo nang mariin ang kanyang kamay at idampi sa iyong noo nang may halong matamis na ngiti. saka mo itanong, "AKALA KO PATAY KA NA?!"

Lord sana makarating na kami.


kumain ka ng pakwan pagkatapos mananghalian. uminom ng isang boteng gatorade. nag-drive sa kainitan ng araw. lumipat ng sasakyang nakabilad sa araw. bumyahe patungong trabaho. halos isang oras. nakaramdam ka ng hapdi ng pantog. pero sakto namang nasa freeway kayo at walang exit na malapit. may detour pang tatambad at magpapatagal ng biyahe ninyo. ang apat na lanes e naging isa. ang 65 mph na speed limit ay naging 25. namumutla ka na. kusa na ring nagdidikit ang iyong mga hita. mararamdaman mong gumagapang na ang likido at sumisilip-silip na sa dulo ng kwan mo. mapapailing ka at sisisihin ang sarili kung bakit di ka pa umihi nung bago umalis.

paano ba nasusukat ang haba ng panahon? sa minuto? sa segundo? o sa kirot at hinagpis na nadarama ng isang taong naiihe?

mapapasambit ka tlaga ng, "lord, sana makarating na kami.." ilang minuto pa. inaaliw mo na lang ang sarili mo sa tugtog mula sa radyo.


no one, no one, no wahahahaaan...can't get in the way of what i'm feeling...


maya-maya, tanaw mo na yung building nyo. dali-dali kang nagtanggal ng seatbelt. pandalas ang pagbaba ng kotse at dumeretso na sa loob. marami nang tao. pero nakasarado ang isip mo. wala kang ibang naririnig kundi ang paghuhumiyaw ng iyong malapit nang sumabog na pantog. sa wakas ay narating mo na ang animo'y langit sa mga oras na iyon. pero kung bakit ka ba ipinanganak na malas ay di mo alam. basta umiyak ka na lang.


Ang Pag-ibig

"ang love daw parang magic, basta basta na lang andyan. di mo maipaliwanag. basta magic.."

pero para sakin, kung matalino ka talaga, walang magic sa pag-ibig, tricks meron. pinaglalaruan ka nito. dahil ang taong nagmamahal, kahit kasing tigas ka pa ng bakal, rumurupok din. madaling durugin.

sabi ni Bo Sanchez, ang pag-ibig e di dumarating basta-basta. di raw totoo yung magic na kung tawagin ay love at first sight. katarantaduhan yun. masasabi mong nagmamahal ka kung sa likod ng lahat ng kabadtripan sa buhay nyong magsing irog, e nakukuha mo paring makagawa ng mahahalaga at komplikadong desisyon para sa kanya. yun bang kahit maghiwalay kayo, siya pa rin ang mahal mo kahit na bubukaka na pepe ni Angelina Jolie sa tapat mo. nawala na yung laptop mo, naibenta na nya ang ipod touch mo, naisanla na nya yung bracelet na regalo nya nung 1st anniv nyo e nananatili ka pa ring nakangiti at nagmamahal. pagmamahal parin iyon na binabad at binuro sa katangahan. yun bang nakita mo na lahat ng magaganda at gwapo at matalino at lahat-lahat nang ideal men at women sa mundo pero babalik at babalik ka pa rin dun sa di mo maipagpalit na imperpektong taong iyon. yun ang pag-ibig pare. ganun ang tunay na pagmamahal.. i love you!

si Ed Alonzo.

kilala mo ba sya? nakanood ako ng show nya kanina. isa syang stage magician na may kapartner na "psychic bibe". magaling sana sya at malakas ang dating sa stage. makulit at nakakatawa. pero nung nag-umpisa na syang mag-magic magic e nahuhuli ko naman yung mga trick. ang siste, natapos yung show na di ako gaano nag-enjoy.

magic daw pare, tae sakin yon kesehodang world famous sya.

eto ang mahirap pag masyado kang mapagmasid. tapos nakikita mo yung mga panget at naiisnab mo yung maganda. eto ang mahirap pag mas pinairal mo ang pagka-rasyonal ng utak mo kesa pagbigyan ang damdamin mong magpaka-bata. lalo na kung sa pag-ibig. ginagawa mo lahat ng tama. iniiwasan mo lahat ng mali. kasi ayaw mong maloko, ayaw mong magmukhang tanga. sa sobrang pag-iingat mo, tuloy ay nalampasan ka na ng pagkakataong sumaya at mag-enjoy..

minsan kasi, sadyang masarap ang kumawala sa sistema. yun bang magbe-break ka ng konting rules. di ba minsan masarap bumirit ng nobenta sa freeway kahit 65 lang ang limit. masarap minsan ang kumain ng junk foods kahit nagda-diet ka. aminin mo, masarap yung mahalin ka ng taong may commitment na. o kaya magmahal ka ng iba kahit may boypren/gelpren ka na. konting deviance ba, masarap di ba?

pero madalas, nasosobrahan naman tayo sa pagsuway sa siste ng pag-ibig. yun bang sa sobrang pagbibigay ng kaligayahan sa puso mo e may nasasaktan ka na. magugulat ka na lang, nakalimutan mong monthsary nyo pala ni irog. hanggang sa malilito ka na. ganyan ang pag-ibig e, masarap sa una, hanggang sa nakakaadik na. hirap na pakawalan. pero anung gagawin mo?

kung matalino ka at biniyayaan ka ng panginoon ng matinong pagiisip, ibabalik mo ang desisyon sa utak mo. cliche cliche cliche. babagsak at babagsak tayo dun sa pinakasikat na rivalry ng mundo. utak ba o puso?

nasa iyo ang desisyon. kumbaga, wala naman talagang definite na teorya tungkol sa pag-ibig e. kanya kanya lang yan. walang love 101 na subject sa school. wala kang template na susundan. bahala ka kung pano ka magmamahal. kung pano ka magdedesisyon para sa sarili at para sa mahal mo. anlabo ko talaga pare, nagsulat ako tungkol sa pag-ibig tapos ibabalik ko rin sa iyo yung konklusyon..hehe. e ganun talaga e, nakakaloko ang pag-ibig. parang nung sinabi ko kay pawi na si Lito Camo ang nakaimbento ng Hep Hep Hurray. parang ngayon, nagbabasa ka ng kalokohan ko. hehe, naloko ba kita? ako, oo. naloko na rin ako ng pagibig. ikaw?

Tuesday, July 15, 2008

.DOT


JULY 14, 2008 | MONDAY

TINEXT AKU NI AMAI APPLY DAW KAME SA MAY MAKATI
PAYAG NAMAN AKU KASE WORK YUN NU. HAHA.
KITA KAME SA DATING TAGPUAN MGA PAST 9AM NA ATA KAME NAGKITA.

SAKAY KAME FX TAS BABA KAME SA LYDIAS BACLARAN.
AKU LAST SAMENG DALAWA NA BUMABA NG FX
E SI ATE SASAKAY NG FX. ALAM KU NAMANG DUN SYA SASAKAY SA BINABAAN NAMEN SA SOBRANG BAET KU SINARA KU YUNG PINTO
NA IIMAGINE KU KUNG NU CHURA NI ATE KASE PINAGSARAN KU SYA.
WO.
AFTER THAT NALAGLAG YUNG SWEATERLETTE KU (LIIT NA SWEATER. HAHA.) SA PUTIK (BUTI DI MADUMI).
TAWA KAME NG TAWA NI AMAI KASE DIGITAL ANG KARMA. AMP.

SAKAY KAME NG BUS PAPUNTANG MAGALLANES
EDI SA MAGALLANES NA KAME. HABANG NAGLALAKAD KAME PAPUNTA SA TERMINAL NG JEEP NAPUTIKAN YATA SI AMAI (AYAN KARMA NA NAMAN MASYADO KASE KAME JUDGMENTAL. HAHA.)

TAS AYUN SA JEEP BAYAD KAME KE MANONG SABE NAMEN PAKI BABA KAME SA BAGTIKAN ST.
AYUN NA BINABA NAMAN KAME NG MATIWASAY NI MANONG DRIVER.
PUNTA NA KAME SA GMA BLDG. LOG IN KE MANONG GUARD
SAKAY ELEVATOR . . . E NA CLOSE KU NA YUNG ELEVATOR MAY SASABAY PALA SAMEN DI KU NAPANSIN. AMP. (MAYA KARMAHIN NA NAMAN AKU.)

PAGDATING DUN SA UNIT NUNG COMPANY DI MUNA KAME PUMASOK NI AMAI
TAMBAY MUNA KAME SA LABAS MGA 10MINS YATA YUN
NAG CR SI AMAI SINAMAHAN KU, 2 CUBICLE (FOR ADMIN / VISITOR).
NAGBACK OUT SI AMAI SA CR KASE MAY KUMAKANTA DAW (WEIRD NA SCARY NA EWAN. HAHA.) KAYA YUN DI TULOY XA NAKAPAG CR.
DAME PANG TAO DUN SA LOOB NG OFFICE TAS PURO GUYSH PA.
NAGDECIDE KAME NI AMAI NA MAGBACK OUT NA LANG (DE KASE PEL YUNG COMPANY. HAHA.) PUNTA NA LANG KAME G4.

ANTAY KAME JEEP SA TAPAT NG PRYCE CENTER
TAS PAGTINGIN KU SA LEFT SIDE KU NAKITA KU YUNG TITO NI MADER.
DE AKU NAGPAKITA BAKA KASE CHIKAHIN PA KU. HAHA.
TAGAL NAMAN NAG ANTAY NG JEEP KASE DE NAMEN ALAM SASAKYAN PAPUNTA SA G4. AMP. TANUNG TANUNG PA KAME KILA ATE "KAMINERO" (METRO AIDE) AT MANONG BAKLA.

AYUN SA G4 NA KAME.
LAKAD LAKAD
PASIPAT SIPAT
TAS PUNTA KAME DIGIPRINT KASE PAPIKTYUR AKU (NEED KASE NG 2x2 PIC.)
ANTAY KAME, ANTAY, ANTAY
TAS NAGCANVASS NA RIN KAME NG PWEDENG GIFT KE KENTOT
DAME NANDUN
BAG MADE OUT OF PICS
PERSONALIZED MUGS
POSTER SIZE NA BARKADA PIC
PERSONALIZED MOUSE PADS
PERSONALIZED PHOTO ALBUMS

AYUN TURN KU NA PARA MAGPA PIC
AMBILIS! WALANG PANG 10sec. TAPOS NA KU
ANTAY NA LANG KAME PARA I-CLAIM
WHILE WAITING TUMAYO SI ISANG ATE CUSTOMER KASE ME TATANUNG XA KE ATE DIGIPRINT
SABE NI ATE CUSTOMER: MAGKANO WALLET SIZE NA PRENT (PRINT)?
AYUN NAGKATITIGAN KAME NI AMAI TAS TAWA KAME ALL OVER. HAHA.
AYAN KAKARMAHIN NA LANG KAME ULET. PAKA.

NA CLAIM KU NA YUNG PIC
KUMAEN KAME NI AMAI SA MCDO
AYUN SA TABLE NA KAME
PESTE YUNG TABLE ME SARILING BUHAY
PAG KAKAEN AKO OR SI AMAI NAGFA 5'6 - 5'4 XA
STORBO EBER YUNG TABLE. AMP.

AFTER KUMAEN
PUNTA KAME JOLLIBEE BILI KAME SUNDAE ROCKY ROAD
KAEN KAME TO THE nTH LEVEL
LAKAD LAKAD NA ULET
TAS ME NAKASALUBONG KAMENG MAJUBANG GURL ME KASAMA XANG DALAWANG BOYSH
NAGULAT AKU KASE BIGLA XA NAPASIGAW
ATE MAJUBA: AAAAAAAH! (SABAY HAWAK SA MALAKING BOOBSIE NYA.)

KALA KU NU NANGYARE SA KANYA YUN PALA NAGVIBRATE FONE NYA. HAHA.
PAKA POTANGNA NI ATE. ANG LASWA NYA TIGNAN NUN. LOL.

AYUN QUARTER TO 1PM
PUNTA NA KAME CITYLAND
E INATAKE AKU NG KATANGAHAN, NAKALIMUTAN KU YUNG LETTER
DE KU TULOY ALAM YUNG EXACT ADDRESS NUNG CITYLAND
E WALANG PAGKADAME PALA CITYLAND SA PESTENG MAKATI NA YAN
NAKARATING KAME SA CITYLAND RUFINO PERO BEFORE KAME MAKARATING DUN INABUTAN KAME NG SOWPER DOWPER LAKAS NA ULAN (BAGYO NA NGA YATA TALAGA YUN. AMP.)
MERON CIYTLAND MAYAPIS
BUTI NA LANG ME BIBIG AT NAGTANUNG KAME KE KUYA GUARD NA NAKA ASSIGN SA CITYLAND TOWER
AYUN SINABE NYA SAMEN KUNG SAN YUNG MAIN OFFICE DUN PALA SA ME LIKOD NG RCBC PLAZA
PUNTA NAMAN KAME NI AMAI
ATLAST NAKITA NA NAMEN YUNG POTANG CITYLAND NA YAN
AKYAT NA KAME SA 3RD FLR.
SA TAGAL NG PAGHAHANAP NAMEN SA CITYLAND GANUN NAMAN KABILIS YUNG INITIAL INTERVIEW. WO.

PAKA WALANGYA TALAGA.
SOWPER NAKAKAPAGOD.
BASANG BASA KAME.
PERO OK LANG KASE MASAYA NAMAN.
HAHA.

LOL.

Friday, June 13, 2008

Pol Medina Jr. : It's A Swine's World


Pugad Baboy is always likened to Garry Trudeau's Doonesbury, what with Pol Medina Jr's satirical yet humorous quips on Philippine everyday life. In its short existence, the characters have skyrocketed to fame, making the comic strip the most popular home-grown one ever.

by Cecilia Quiambao
Originally appeared in Preferences Magazine : June 1993

The world stands on its head in a village called Pugad Baboy: the family dog doles out words of wisdom and practical advice to the love-lorn letter writers. He quaffs beer, trades acerbic barbs, and talks politics with his master - a mammoth, tub of lard of a chef whose favourite dish is dog stew.

In the four short years of its existence, the mostly plump characters that populate the bottom section of the Philippine Daily Inquirer newspaper's cartoons page skyrocketed to fame and have made the comic strip the most popular home-grown one ever.

Hundreds of thousands of Filipinos, a notably funny race, make it a point to begin their day with a peek at the latest riotous escapades of the strip's characters, whom many consider as trenchant sketches of the national character.

There is the chef Adagulfo Sungcal, he with the arid pate and leviathan gut obscenely spilling over boxing shorts as he presides over the affairs of his household. He calls his wife Honey-cured, for really, she looks like one whole piece of ham.

The teenage daughter weighs 250 pounds, but is heroically named Tiny. Her suitor is called Bab, a refugee from the Woodstock Era with his bell-bottoms, open vest and peace medallion.

Then there is Brosia, Dagul's wisecracking maid whose day never seems to be complete if she doesn't get under somebody's skin -- preferably Dagul's.

Ideas percolate as Dagul toasts the spirits with Tomas Sabaybunot, a tough-talking, straight-shooting air force sargeant who is henpecked by a dominating wife. Like many Filipinos, they buy their drink on credit at the Chinese corner store. When the place was hit by a fire, they puposely delayed calling the firemen until after the blaze had razed their IOU sheets.

Then there is Polgas himself, the mongrel in many guises who transcends his canine existence by behaving like a human, and sometimes as a superman (superdog?) character.

The humour is gritty and fresh, and speaks the language of the streets. It's part satire, poking fun at politicians and policemen, and draws canny sketches of the common Filipino foibles and misadventures. Its popularity is attributed to its enduring capacity to capture the Filipino psyche.

The comic strip sets down a "lively sense of the ridiculous oddball type of lunacy that tears down all the pretensions, stupidities, and illusions of the powers that be, and with a warm sense of humanity that restores some semblance of sanity" to the beleaguered country, said Hilarion Henares Jr, a satirist who recently quits his job to become President Fidel Ramos' adviser on national affairs.

But who is the wacky cartoonist who is tickling our funnybone?

If it hadn't been for the Ayatollah Ruhollah Khomeini's "human waves" across the desert and Saddam Hussein's Scud missles, Pol medina Jr wouldn't have taken his current course, and the world would have had one good cartoonist less. Strange but true, but the comic strip traced its origins to the Iran-Iraq War.

PM Jr, as the strip is signed, was an architect down on his luck, having spent or misspent practically all his earnings from a two-year stint as an overseas contract worker in northern Iraq, when in 1988 he pulled out from among his files a sheaf of line drawing and doodles executed during the long and lonely nights and other periods of his exile and decided, what the heck, to try out his luck on the Manila Bulletin cartoon page.

By a quirky chance of luck, he got lost in the maze called Intramuros, the walled confines of the old manila and when he tried to ask for directions, a bystander gave him the wrong one. He ended up on the portals of the rival Philippine Daily Inquirer, whose chief artist took one look at the drawings and couldn't let go of them. The rest is history.

"Fat runs through our family," says Medina, explaining why most of his characters are in the pink of health. "Polgas, my dog is fat. It so happened that my neighbors are fat." Most of the strip's heroes are in fact, caricatures of true-to-life persons, or are composites of two or more individuals.

Tiny is a spoof of his sister Irene, a woman of substance in the advertising field who does not mind the jokes aimed at her. "If you are as fat as Irene, you shouldn't be onion-skinned," Medina adds.

It used to be that artist had second thoughts about caricaturing his neighbours, but now, it is they who tell him: "Look, Pol, I am fatter now, will this land me a role in your strip?"

Pugad Baboy (literally, Nest of Pigs), is a real village in Bulacan province north of Manila. It is notorious for its foul-smelling piggeries.

Dagl portrays the serious side of Medina, a rare stance for his man-sized child of 33 who still goes around in Johnson's baby diapers - which he uses to wipe the copious sweat that dribbles on his brow.

Most of the time hie is Utoy, Dagul's playful, adventuruous tyke in the comic strip, a bundle of energy with endless tricks and jokes up his sleeve. Boyet Espino, who manages the business side of the cartoon, remembers the first time he worked in an office with Medina. "He booby-trapped the entire place," Espino recalls. "Everytime you opened a drawer, a firecracker would go off."

Polgas, which literally means dog tick, represents Medina's boundless imagination and childhood fantasies, which frequently takes on the guise of a "superdog," rescuing the entire Sungcal family from vampires, kidnappers and various other villains.

Medina's work is most frequently compared with Doonesbury, Garry Trudeau's satirical strip on contemporary American life and politics. "I am flattered, but popularity-wise, I have yet to achieve his popularity. We do have a similarity in that we both dish out biting satire," he says.

Medina admits that the night chill of the Iraqi desert and the boredom of Moslem religious holidays brought out the humourist in him. "I went crazy there," he quips.

A fresh architecture graduate of the Dominican-run University of Santo Tomas, he had just been hired by a prestigious construction firm here when he volunteered for an oil refinery project near a holy city in northern Iraq and came into contact with the strange culture of the mother of all bad guys, Saddam Hussein.

"All the refineries were the colour of the earth," he said. "It was all in camouflage." Saddam was then at war with the Ayatollah, but he does not remember if among the buildings he designed were bomb shelters or nuclear sites.

His fondest memories of the place was his frequent sorties into Baghdad, which he describes as an open city. "Nothing is banned there, we even got to eat pork," he said.

The place, however, is a cultural desert, he and his girlfriend, a fruit sorter, would spend their dates atop refrigerated fruit crates, whispering sweet nothings into each other's ear. It was just as well, because the girl is a Thai and spoke no other language. They eventually split up, because the Thai language was Greek to Medina's ears.

Returning home in 1987, the thick wad of dollars that lined his pockets inspired him to enter into all sorts of ill-advised business ventures. he set up his own architectural practice, got one cliend but no one afterwards, so it folded up. He set up a pig farm in Cavite province south of here, but a big typhoon carried off its roof somewhere - perhaps to Iraq, who knows?

He had to haul the swine one by one to a rented space in Paranaque district. "I used by pickup, which I had not even loaded with feeds because it's strictly for dates with my girl," he fondly remembers.

Medina says he picks up story ideas everywhere. It may be from a television commercial, a half-brained government project, the sights and sound of the palce he chooses for a vacation, or from tall tales of friends, recounted while the entire gang are strangling bottles of San Miguel Beer.

A person's looks or way of walking may inspire hime while he is pigging out at the nearby pizza joint. Here the interview is interrupted as the artist trained his laser eyes on a handsome woman who entered the restaurant where he was being interviewed. But he quickly lost interest when the lady went straight to a nearby table to her date.

It takes him about htree hours to finish one episode. One of the things readers like about the strip is the attention to detail Medina puts on his drawings. He ususally works late into the night. "I'm not a morning person. I took after the habits of my car, which refuses to start in the morning."

He claims he is a centrist and is unlikely to take a stand on issues. but Pugad Baboy has gained praise from student radicals from the way he sets politicians and policemen to ridicule.

"All our politicians have Senator Cabalfin in their blood," he said, refering to a bumbling, theiving character who is a mainstay in the strip. "They say they are in the profession of public service, but thier first priority is still their self interest."

Pol Medina really hates the police. "I've been flagged down by cops so many times, but up to now I still do not know what traffic violations I committed. If I could just meet one good cop, maybe my opinion of them will change."

The policeman-crook appears in the strip as Patrolman Durugas (literally, highwayman), who helps Dagul push his stalled car on the side of the road - toward a No Parking Zone so he could then extort money from him under threat of giving him a citation ticket.

The comic strip excels in the unsavoury Filipino trait of one-upmanship, a characterfew ould openly admit but which they see in black and white in Medina's street-wise humor.

The artist recieves thousands of fan mail, but he has had his share of hate mail as well. Not one to shirk green or sexist jokes, he once caught the ire of a feminist group on the theoretical issue of rape. He has since made peace with that group.

The unexpected popularity of the strip has inspired Medina to explore the commercial angle and the possibility of transplanting the characters into another medium.

Three volumes of compilations have sold out through several reprints, and t-shirts with prints of the cartoon characters are in high demand despite the fact that they have not been distributed through department stores or boutiques.

At the time of the interview, one entrepreneur is seeking perimission to use the PUgad Baboy logoa and characters to a chain of "lugawans" (fast-food shops selling porridge).

Medina has left the marketing side totally in the hands of an equally imaginative manager, woho is currently conceptualising a Pugad Baboy animated television sitcom and a PUgad Baboy movie. A Polgas stuffed toy is now in the works.



-CY

Pugad Baboy Strips








WAHAHAHAHAHAHAHAHA

:))


Wednesday, June 11, 2008

CYRiLL, you should pick your Funny Friend

Seriously, there's nothing like spending time with the person who just naturally brings out your sunny, and funny, side. Who wants to be dour and sour? Your upbeat attitude and appreciation for the lighter moments in life is what seals the deal for you and the resident comedian in your life. You know who we're talking about — the friend with the one-liners, the quick wit, the insightful commentaries on life's absurditiesthe friend who can make you laugh even when they're poking fun at you.


But even if they are telling a joke at your expense, you know you can count on them to keep you young at heart, laid-back, and fun-loving. When it comes down to it, would you want it to be any other way? No way!

Friday, June 6, 2008

CYRiLL, You're More Sinful Than The Average Person.


AM I REALLY A SINFUL PERSON?

And it's affecting your life in ways you might not realize. Admiring people
can be one way of appreciating their success or driving you to do more. But if you aren't careful, your obsession with the others' good fortune may ultimately be your downfall. Beware of focusing too much on what others have accomplished and how they are viewed. Such obsessions can overshadow your own life and compromise your ability to attain your own dreams.

And if you don't keep this tendency in check, you just might jeopardize the things that are most important to you.

Thursday, June 5, 2008

AMBURENG

8:50am dumating kame ni MADEL sa office
nakakapagtaka kase wala pa maxadung tao
naabutan namen sila PAPA P, MISS DAINE at MISS GRAXIA sa pantry
nag-uusap sila at nagtatawanan like there's no tomorrow
wahahahahahahahahahahahahahahahahaha

pagka login derecho kame agad ni MADEL sa cubicle namen
siguro mga 10mins. after namen mag login dumating na si YEYE
after naman mga 5mins. dumating naman si GELLIE

pero nakakapagtaka pa rin kase wala pa si MAMA K, MAMA M and PAPA J
kaya yun nag friendster at multiply muna ku
wala pa naman kase pinapagawa e
wahahahahahahahahahahaha

sa wakas
dumating na sila MAMA K at MAMA M
absent pala ang loko lokong si PAPA J
nasa BMX Event kase xa ngayun

1:oopm (something)
umalis na naman sila MAMA K, PAPA P, MAMA M, MISS DAINE, MISS GRAXIA at TONIO
after 1hr nakabalik na sa office sila MISS DAINE, MISS GRAXIA at TONIO
nagtaka na naman kame kase di nila kasabay bumalek sila MAMA K, PAPA P at MAMA M
super tagal nila bumalik
nag papanic na nga si KURANAI kase tagal nila bumalik
natapus ku na yung inassign saken na RECENT RELEASES
nakatulog na kame ni GELLIE
(hala patay naabutan daw pala kame ni KURANAI na tulog. hehehe.)



HAIIIII


2:24pm
salamat naman at naisipan na nila bumalik
grabe nakakabagut
walang magawa
tulog muna kaya ulet aku
amp



***paka walang kwenta talaga ng BLOG ku. wahahahahaha.

ISSUES: NUDULS - MIYUSEK - DALDALAN

CAST:

KURANAI
LA FEA
OLIVE OIL
MITCH
DEBID

PPAs (PAPA P's ANGELS)

monday june 2, 2008 3PM (something)
nag conduct si KURANAI ng orchid training sa office
siguro one hour din nag discuss si DEBID (head ng Dev Team)
at wala akung naintidihan sa diniscuss nya

after ng discussion
biglang sumingit tong si LA FEA
kung anu anu na pinagsasabe
sermon sermon pa xa samen

badtrip na badtrip aku
kase kahet di nya sabihin names namen
alam namang kame yung tinutukoy nya
kase samen xa nakatingin
sarap kamu dukutin ng mata nya
POTANGNA NYA!!!

after siguro ng mga 15mins.
pinatawag na naman kame ulet ni KURANAI

KURANAI: guys labas nga kayo may sasabihin lang ako.

kala namen about saan yung sasabihin nya
yun pala sa NOODLES na naman
para kameng papatayin kase pila pila pa kameng nakaharap sa kanya

wahahahahahaha

eto yung sinabe nila KURANAI and LA FEA samen (hinde eto yung mga exact words na sinabe nila, pero parang ganito na din. hehehe.):

ISSUE: NUDULS ETC.

"wag nyu naman sana ubusan ng food yung mga panggabe, kase pag nagugutom na sila wala silang nadadatnan na pagkain sa pantry . . . blaah blaah blaaaah. may mga nag uuwi pa yata ng noodles dito." (tangnang yan pinalalabas pang mga patay gutom kame)

"okey ganito na lang 1 cup of noodles and 1 biscuit per intern / ojt / reg employee para lahat nakakakain. for example di kinain ng isa yung food nya di mu pwede sabihin na ay akin na lang yung sayu di mu nanamn kase kinaen" (anu kame preso me rasyon pa ng food)

"and please wag kayu kakaen sa table nyu baka mamaya ipisin, langgamin at dagain na tayu ditu. pag inutusan ku si Shing Ha na maglagay ng lason sa daga e bigla tumulo sa pagkain nyu mapanu pa kayu dyan." (wuhooo. balak mu pa talaga kame patayin)

"wag din kayu magtitimpla ng kape sa table nyu, may nakikita pa kase kameng mga asu asukal dyan."

ISSUE: DALDALAN

"paki minimize naman yung ingay kase may mga nagtatrabaho at nakakaistorbo kayu. kung about sa trabaho yung pinag uusapan nyu ok lang sana."

ISSUE: MIYUSEK

LA FEA: may sinaway ako dati pero di ako pinakinggan.

KURANAI: ahmm. sino ba yung sinaway mo?

LA FEA: di ko na matandaan pero sa loob e *turo sa cubicle*

(potangna nya pala, e kame lang naman yung interns na nasa cubicle. di pa nya sabihin ng derecho yung mga pangalan namen. lerrr di naman kame yung nagpapatugtog ng malakas kundi si MITCH yun.)



*** DI NAMAN TALAGA KAME SESERMUNAN THAT DAY. KUNG DI LANG TALAGA NAABUTAN NI ANDY SY (ANG LALAKING MAHILIG SA M2M (YUNG GIRL DUO HA)) YUNG MALAKAS NA SOUNDS NG TANGNANG MITCH NAYAN. PATI PA TULOY KAME NADAMAY. HAYUP XA . . . AY SILA PALA. WAHAHAHAHAHA.

Sunday, April 27, 2008

Mahabang Paglalakbay

april 26, 2008 (saturday) 5:14 pm
nakareceive aku ng text message from Amai
magkikita kita daw kame nila Ken and Mhadel sa MOA
sabe ku sa kanya "sigi amai wet mu q jajabar lang aku, kita tau ulet fortunata"

6:02 pm
nagkita kame ni Amai sa fortunata village
mga ilang minutes ku din sya inantay
sumakay na kame ng fx para sunduin si Mhadel
pagkatapus nun dumerecho na kame ng MOA

pagkarating dun nakita na namen si Ken
nagdecide agad kame kumaen sa Carver's
after kumaen walkathon na kame sa MOA
then pagkarating sa 2nd floor
nagkayayaan mag ice cream
tapus tong si Amai may nakitang store yung Haagen-Dazs
hahahahahaha

eto namang si ate echuserang palaka nag sales talk samen
naconvince naman nya kame
umorder kame ng Fondue
grabe Php800 super mahal pero super sarap naman
parang 1month ka na pwede di magdessert sa subrang dame

after kumaen ayaw pa namen umuwe so biglaan yung pagpunta namen ng Laguna sa bahay ng lola ni Mhadle
ayun mahabang paglalakbay
sarap
saya
kapagod
exciting

april 26, 2008 5am
dapat mag Aaplaya pa kame nun para magbreakfast buffet
kaya lang nagbagu isip namen so nagMcdo Gatchalian na lang kame
to na namang si Amai gustu pumunta ng Tiendesitas
punta na man kame ng Pasig
gala gala gala na naman kame eber

pwahahahahahaha

mga past 11am nagdecide na kame umuwe sa subrang antok
wala pa kameng tulog....................zzZzZZZzzzz

wiwing wiwi na si Amai aku din wiwi na
ayun bumaba pa kame ng SM Sucat para lang magCR
after that uwe na kame

haiiiii
grabe yung araw na yun
di nga kame natuloy sa Baguio
super saya naman yung nangyare samin for two and a half days
sarap talaga kasama ng mga Autistics




I lOVE THEM SOoooooooOoOoo MUCH

Thursday, April 24, 2008

Aalis na ko. Paalam na sa inyo

april 25, 2008 12:23 am

ilang saglit na lang aalis na ko
matagal na namin tong pinangarap
matagal na rin binuo
ilang beses na naudlot

kainis, oo
kabanas, oo
pinagtawanan ng iba, oo
nagalit, oo

ang daming reaksyon ang nakita
dameng mukha ang sumaya
kasi ito di na naman natuloy
butinga daw sabi nila

sarap tirisin
sarap sapakin
kung alam nyo lang
gusto ku na kayung sunugin

sunugin sa alaala ko
mawala sa isip ko
pilit na pinakikisamahan
para tuloy tayung nagpaplastikan

tssssssssss
mga peste kayung kaibigan
walang kwenta pakisamahan

ngayon alam kong matutuloy na to
baguio city andyan na ko
mga kaibigan ko tara na alis na tayo

uupo sa bus ng limang oras
magtatawanan
kwentuhan magdamagan
di ko mamamalayan
ako ay tinulugan

excited na ko
perstaym ko kase dun
hahahahaha
parang tanga lang ako

baguio city
abot kamay na kita

:))





- april 25, 2008 12:33 am

Wednesday, April 23, 2008

Tunay na Pag ibig o Tunay na Alipin?

tssssssssssssss
hirap mabuhay ng walang nagmamahal
nakakalungkot
nakakainggit
nakakabwiset
nakakailang

walang tagabitbit ng bagahe
walang manlilibre sayu
walang susundo
walang maghahatid
walang magmamakaawa
walang manunuyo

hala
pag ibig ba hinahanap ko?
alipin yata kaylangan ko e

babae nga naman
masyado ng maarte

potangena nyu

potangena nyu

POTANGENA NYU

Bakit ang Hirap?

limang araw na ang lumipas nung aku ay umakyat sa entablado ng PICC
di pa ku handa pero kaylangan
dumating na ang oras na pinakahihintay ng lahat
ang graduation

nagsimula na ang kinatatakutan ku
wala na ang mga maliligayang araw na kasama ku ang aking mga kaibigan
wala na ring dahilan para magparinig sa mga kaaway
wala ng dahilan para magkapera

sa sakayan
wala ng dahilan para tumambay sa fx ng mahigit isang oras
makipag agawan ng aircon sa katabi mu
ang gawin kang sandalan ng mga inaantok
nmakipagpatayan sa mga kaagaw kong pasahero
pumila na kasing haba ng mga taong nag aabang sa grasya ng NFA rice (tangena!)
binibilang ang mga sasakyang nakikipagsabayan sa kawawang manong
ilang beses na-late sa klase dahil sa sobrang trapik

kapwa pasahero
mga magmamagandang babae
nagpapaka feeling na mga lalake
mga nag 1,2,3
naglalampungan na magsyota
paka ingay na mga manang kung makapag usap parang wala ng bukas

di makukumpleto ang byahe ko na walang banggaan sa flyover
nakahandusay na mama sa gitna ng daan dahil tumilapon sa motor
salpukan ng mga naglalakihang trak
nasiraan ng sasakyan
mausok na mga kotse

hay
kahit nakakainis
wala akong magagawa
nasanay na lang aku sa apat na taon kong paglalakbay papunta saking eskwelahan
di ku makakalimutan ang lahat
lahat lahat

marame akong natutunan
ang magsinungaling
perahan ang magulang
kumapit sa patalim pag exam
pagcucutting classes
magpakagago
ang magpanggap
paiyakin ang nanay
sumira ng tiwala
ang maging ina sa loob ng lumang buwan
ang pumatay

bakit ang hirap maging estudyante?
bakit ang hirap maging pasahero?
bakit ang hirap maging babae?

bakit ang hirap?