CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Friday, July 18, 2008

Lord sana makarating na kami.


kumain ka ng pakwan pagkatapos mananghalian. uminom ng isang boteng gatorade. nag-drive sa kainitan ng araw. lumipat ng sasakyang nakabilad sa araw. bumyahe patungong trabaho. halos isang oras. nakaramdam ka ng hapdi ng pantog. pero sakto namang nasa freeway kayo at walang exit na malapit. may detour pang tatambad at magpapatagal ng biyahe ninyo. ang apat na lanes e naging isa. ang 65 mph na speed limit ay naging 25. namumutla ka na. kusa na ring nagdidikit ang iyong mga hita. mararamdaman mong gumagapang na ang likido at sumisilip-silip na sa dulo ng kwan mo. mapapailing ka at sisisihin ang sarili kung bakit di ka pa umihi nung bago umalis.

paano ba nasusukat ang haba ng panahon? sa minuto? sa segundo? o sa kirot at hinagpis na nadarama ng isang taong naiihe?

mapapasambit ka tlaga ng, "lord, sana makarating na kami.." ilang minuto pa. inaaliw mo na lang ang sarili mo sa tugtog mula sa radyo.


no one, no one, no wahahahaaan...can't get in the way of what i'm feeling...


maya-maya, tanaw mo na yung building nyo. dali-dali kang nagtanggal ng seatbelt. pandalas ang pagbaba ng kotse at dumeretso na sa loob. marami nang tao. pero nakasarado ang isip mo. wala kang ibang naririnig kundi ang paghuhumiyaw ng iyong malapit nang sumabog na pantog. sa wakas ay narating mo na ang animo'y langit sa mga oras na iyon. pero kung bakit ka ba ipinanganak na malas ay di mo alam. basta umiyak ka na lang.


0 comments: