"ang love daw parang magic, basta basta na lang andyan. di mo maipaliwanag. basta magic.."
pero para sakin, kung matalino ka talaga, walang magic sa pag-ibig, tricks meron. pinaglalaruan ka nito. dahil ang taong nagmamahal, kahit kasing tigas ka pa ng bakal, rumurupok din. madaling durugin.
sabi ni Bo Sanchez, ang pag-ibig e di dumarating basta-basta. di raw totoo yung magic na kung tawagin ay love at first sight. katarantaduhan yun. masasabi mong nagmamahal ka kung sa likod ng lahat ng kabadtripan sa buhay nyong magsing irog, e nakukuha mo paring makagawa ng mahahalaga at komplikadong desisyon para sa kanya. yun bang kahit maghiwalay kayo, siya pa rin ang mahal mo kahit na bubukaka na pepe ni Angelina Jolie sa tapat mo. nawala na yung laptop mo, naibenta na nya ang ipod touch mo, naisanla na nya yung bracelet na regalo nya nung 1st anniv nyo e nananatili ka pa ring nakangiti at nagmamahal. pagmamahal parin iyon na binabad at binuro sa katangahan. yun bang nakita mo na lahat ng magaganda at gwapo at matalino at lahat-lahat nang ideal men at women sa mundo pero babalik at babalik ka pa rin dun sa di mo maipagpalit na imperpektong taong iyon. yun ang pag-ibig pare. ganun ang tunay na pagmamahal.. i love you!
si Ed Alonzo.
kilala mo ba sya? nakanood ako ng show nya kanina. isa syang stage magician na may kapartner na "psychic bibe". magaling sana sya at malakas ang dating sa stage. makulit at nakakatawa. pero nung nag-umpisa na syang mag-magic magic e nahuhuli ko naman yung mga trick. ang siste, natapos yung show na di ako gaano nag-enjoy.
magic daw pare, tae sakin yon kesehodang world famous sya.
eto ang mahirap pag masyado kang mapagmasid. tapos nakikita mo yung mga panget at naiisnab mo yung maganda. eto ang mahirap pag mas pinairal mo ang pagka-rasyonal ng utak mo kesa pagbigyan ang damdamin mong magpaka-bata. lalo na kung sa pag-ibig. ginagawa mo lahat ng tama. iniiwasan mo lahat ng mali. kasi ayaw mong maloko, ayaw mong magmukhang tanga. sa sobrang pag-iingat mo, tuloy ay nalampasan ka na ng pagkakataong sumaya at mag-enjoy..
minsan kasi, sadyang masarap ang kumawala sa sistema. yun bang magbe-break ka ng konting rules. di ba minsan masarap bumirit ng nobenta sa freeway kahit 65 lang ang limit. masarap minsan ang kumain ng junk foods kahit nagda-diet ka. aminin mo, masarap yung mahalin ka ng taong may commitment na. o kaya magmahal ka ng iba kahit may boypren/gelpren ka na. konting deviance ba, masarap di ba?
pero madalas, nasosobrahan naman tayo sa pagsuway sa siste ng pag-ibig. yun bang sa sobrang pagbibigay ng kaligayahan sa puso mo e may nasasaktan ka na. magugulat ka na lang, nakalimutan mong monthsary nyo pala ni irog. hanggang sa malilito ka na. ganyan ang pag-ibig e, masarap sa una, hanggang sa nakakaadik na. hirap na pakawalan. pero anung gagawin mo?
kung matalino ka at biniyayaan ka ng panginoon ng matinong pagiisip, ibabalik mo ang desisyon sa utak mo. cliche cliche cliche. babagsak at babagsak tayo dun sa pinakasikat na rivalry ng mundo. utak ba o puso?
nasa iyo ang desisyon. kumbaga, wala naman talagang definite na teorya tungkol sa pag-ibig e. kanya kanya lang yan. walang love 101 na subject sa school. wala kang template na susundan. bahala ka kung pano ka magmamahal. kung pano ka magdedesisyon para sa sarili at para sa mahal mo. anlabo ko talaga pare, nagsulat ako tungkol sa pag-ibig tapos ibabalik ko rin sa iyo yung konklusyon..hehe. e ganun talaga e, nakakaloko ang pag-ibig. parang nung sinabi ko kay pawi na si Lito Camo ang nakaimbento ng Hep Hep Hurray. parang ngayon, nagbabasa ka ng kalokohan ko. hehe, naloko ba kita? ako, oo. naloko na rin ako ng pagibig. ikaw?
Friday, July 18, 2008
Ang Pag-ibig
Posted by beLiKEcyrill at 10:29 PM
Labels: angelina jolie, bo sanchez, ed alonzo, hep hep hurray, lito camo, love 101, magic
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment