CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Wednesday, April 23, 2008

Bakit ang Hirap?

limang araw na ang lumipas nung aku ay umakyat sa entablado ng PICC
di pa ku handa pero kaylangan
dumating na ang oras na pinakahihintay ng lahat
ang graduation

nagsimula na ang kinatatakutan ku
wala na ang mga maliligayang araw na kasama ku ang aking mga kaibigan
wala na ring dahilan para magparinig sa mga kaaway
wala ng dahilan para magkapera

sa sakayan
wala ng dahilan para tumambay sa fx ng mahigit isang oras
makipag agawan ng aircon sa katabi mu
ang gawin kang sandalan ng mga inaantok
nmakipagpatayan sa mga kaagaw kong pasahero
pumila na kasing haba ng mga taong nag aabang sa grasya ng NFA rice (tangena!)
binibilang ang mga sasakyang nakikipagsabayan sa kawawang manong
ilang beses na-late sa klase dahil sa sobrang trapik

kapwa pasahero
mga magmamagandang babae
nagpapaka feeling na mga lalake
mga nag 1,2,3
naglalampungan na magsyota
paka ingay na mga manang kung makapag usap parang wala ng bukas

di makukumpleto ang byahe ko na walang banggaan sa flyover
nakahandusay na mama sa gitna ng daan dahil tumilapon sa motor
salpukan ng mga naglalakihang trak
nasiraan ng sasakyan
mausok na mga kotse

hay
kahit nakakainis
wala akong magagawa
nasanay na lang aku sa apat na taon kong paglalakbay papunta saking eskwelahan
di ku makakalimutan ang lahat
lahat lahat

marame akong natutunan
ang magsinungaling
perahan ang magulang
kumapit sa patalim pag exam
pagcucutting classes
magpakagago
ang magpanggap
paiyakin ang nanay
sumira ng tiwala
ang maging ina sa loob ng lumang buwan
ang pumatay

bakit ang hirap maging estudyante?
bakit ang hirap maging pasahero?
bakit ang hirap maging babae?

bakit ang hirap?

0 comments: